13 Bagian Lengkap DewasaSabi sa isang libro, may dalawang panahon ang tao, pag-iyak at ang pag-tawa.
Maraming rason para umiyak ang isang tao, pero isa lang ang dahilan kung bakit umiiyak ang isang tao, iyon ay dahil nasasaktan ito. Nasasaktan at hindi na nito kinakaya ang nararamdaman niya. Maraming rason para sumaya ang isang tao, pero isa lang ang dahilan kung bakit sumasaya ang isang tao, ito ay dahil kuntento na ito.
Pero kahit na ganoon, mahirap basahin ang kung ano ba talaga ang mararamdaman mo. Lalo na kapag marami ang mga nangyayari sa buhay. Minsan maiisip mo na lang, kailan kaya matatapos ang lahat?
Ngunit habang nabubuhay ka, walang katapusan ang kasakitan na mararanasan mo. Lahat ay may pagdadaanang problema habang may hininga.