Naranasan mo na bang mangligaw? Naranasan mo na bang magmahal? Naranasan mo na bang mabusted? Ang tanong NAGKAGIRLFRIEND KA NA BA?
paano mo mararanasan ang mga yan kapag wala kang inspirasyon diba?
Yung iba, natatakot mangligaw kasi natoTORPE daw sila.
Ano nga ba ang TORPE?
Ang Torpe ay hindi bagay at higit sa lahat ay hindi din nakakain. Ito ay mga lalakeng walang lakas ng loob na sabihin ang kanilang nararamdaman sa isang babae. O tipong halos memoryado na niya ang kaniyang sasabihin, pagharap sa babaeng gusto niya, nabubulol, pinagpapawisan ng malamig, nauutal, balisa at hindi mo maintindihan ang kanilang sinasabi.
MAHIYAIN at WALANG LAKAS NG LOOB ang kadalasang turing sa kanila.
pero hindi ito ang tamang pagdedefine sa torpe..
Ang TORPE ay HINDI MAKAPAL ANG MUKHA. adj: magalang, mabait, may respeto, matalino at higit sa lahat marunong maghintay.
Masakit na makita yung taong mahal mo na masaya sa iba, pero mas masakit tanggapin yung katotohanan na wala ka namang ginawa para sa love story niyong dalawa.
Istorya ng isang torpe na lihim na umiibig, lihim na nasasaktan at lihim na naghahangad. Isang istorya na gustong imulat ang mga mata ng kabataaan patungkol sa mga posibilidad na mangyari sa isang torpe.
Naglalaman ng iba't ibang sitwasyon na nagpapakita ng katorpehan ng isang tao.
May Happy Ending nga ba para sa isang Torpe? may mangyayari ba kung wala kang ginagawa?. May aasahan ka ba kung si tadhana lang ang hahayaan mong kumilos na mag-isa? in short: WALA.
"Walang mangyayari kung wala kang gagawin, pano ka mananalo sa lotto kung hindi ka tataya, pano ka mabubusog kung hindi ka kakain at pano mo mararanasanang maligo sa ulan kung iniisip mo na baka magka-sakit ka."