PROLOGUE Isa lang akong simpleng babae na may pangarap na maiahon ang aking pamilya sa kahirapan,kaya naman nang may nag-alok saakin na pag -aralin ako ay hindi na ako nagdalawang isip na tanggapin ito.mabait ang nagpaaral saakin,mayaman din na tao,halos ituring na nga niya akong isang tunay niyang anak.At hindi ko inaasahan na sa bahay na iyon doon ko rin makikilala ang lalaking unang magpapatibok ng aking puso at mamahalin ko ng totoo, kaso lang may mga taong naiinggit saakin ,gusto nila akong siraan,palihim nila akong inaapi.kaya nang may aksidenteng naganap sa bahay na iyon saakin nila lahat isinisi.Inosente ako wala akong kasalanan,ang kaso wala sa aking naniwala,pati ang lalaking akala ko magtatanggol saakin ay hindi rin naniwala.Akala ko ipagtatanggol niya ako,akala ko kakampi ko siya,akala ko siya ang masasandalan ko, pero akala ko lang pala ang lahat ng iyon.Halos pandiriin niya ako,kung anu-anong masasakit na salita ang pinagsasabi niya sakin.......masakit isipan na hindi niya ako pinaniwalaan....pinaalis nila ako ng bahay at pinalayo sa kanila... kahit kailan ayaw na daw nilang makita ang pagmumukha ko... 'pero hindi ko inaasahan na gitna ng aking pag-iisa ay may isang taong tutulong saakin,utang ko sa kanya ang lahat,siya ang magiging dahilan kung bakit ako makakabangon sa aking pagkakalugmok,siya ang sasagip saakin sa gitna ng aking kamatayan,siya ang magtuturo saakin kung paano lumaban.Kaya sa pagbabalik ko humanda silang lahat saakin,pagbabayaran nila ang lahat ng ginawa nila saakin,pagbabayaran nila ang pagbibintang saakin ng kasalanang hindi ko naman ginawa.Lalo na siya.........humanda siya saakin dahil masa pinili niyang paniwalaan ang mga taong gustong sumira saakin......lahat sila magbabayad........ "AKO SI HAZEL FAITH GUIVARA ....HINTAYIN NILA ANG PAGBABALIK AT PAGHIHIGANTI KO....All Rights Reserved
1 part