Si Vicenta "Vence" ay isang tomboy na umibig sa kanyang kaklase at kaibigang si Kenneth "Ken", isang bakla. Dahil sa isang gabing pagkakamali, nagbunga ito ng supling na siyang dahilan para si Ken ay lumisan. Si Romir, kaibigan nila na lihim na umiibig kay Vence. Inako niya ang responsibilidad na sana ay para kay Ken. Sa muling pagbabalik ni Ken sa buhay ni Vence, magagawa kayang protektahan ni Romir ang pinapangarap niyang pamilya? Sino ang mananaig sa puso ni Vence? Si Ken ba na una niyang minahal at ama ng kanyang anak o si Romir na walang ginawa kundi ang bigyan ng kumpletong pamilya ang kanyang anak pero hindi naman ito ang una niyang minahal?
More details