Sa dinami-dami ng tao sa mundo,ay bakit sya pa?Yan ang hirap pagdating sa tinatawag nilang 'Pag-Ibig',mahirap takasan once na na involve ka na.Ang dami nilang ibat-ibang definition nang love,pero ang lagi kong tanong sa sarili ko ay: "What is LOVE?" "Bakit tayo naiinlove?kung sa bandang huli ay masasaktan lang naman sila?" "Bakit andaming nagpapakatanga dahil lang sa love na yan?" "Bakit pinagpipilitan pa rin nila kung hindi na pwede?" Yan lang naman ang ilan sa mga tanong na laging tumatakbo sa aking isipan.Akala ko noon,maaari kong takasan ang pag-ibig.Na kung mag-aaral ako ng maayos at uunahin ko ang pangangailan naming ay hindi ko na kailangan pang ma-inlove.Pero mali pala ako...Dahil sa pagiging tahimik ko ay nakilala ko ang lalaking nagpatibok ng puso ko.Ano ang gagawin ko para maiwasan kong mahulog ang loob ko sa kanya at higit sa lahat ay,maiwasan na masaktan kung sakali mang hindi nya ako saluhin mula sa pagkahulog ko.