Ano ba ang nangyayari sa bahay ni Clarisse? Ang mga gamit ay nawawala. Una, ang sa anak na si Rob. Sumunod ang mga gamit niya. Kalaunan pati mga kagamitan ng katulong na si Maritess, nawala rin at saka lilitaw pagkalipas ng dalawa hanggang apat na araw. Sino ang pilyong tila yata pinaglalaruan sila? Baka si Rob, ang anak niyang limang taong gulang. Pero tigas ito sa pagtanggi. Hindi raw siya kundi si Albert ang may sala. Ang imaginary friend niyang nakatira sa ilalim ng kama.