Paano mo sasabihin sa isang tao na gusto mo siya lalo na kung para mo na siyang Kuya? May isa pa, paano kung pareho kayong lalake? Itutuloy mo pa ba? Ang I LOVE YOU HYUNG ay isang Trilogy. Tatlong story na siguradong makaka-relate ka. Ang unang story ay ang LOVE OR FAME. Ano ang pipiliin mo? Ang mahal mo o ang pagiging sikat mo? Ang second story ay ang GUHIT. Dalawang magkaibigan na mahilig gumuhit, pero paano na kung nahulog na ang isa sa kanila? Ang pangatlong story ay ang SNS. Mahirap magkagusto sa isang tao lalo na kung malabo na magka-gusto siya sayo, kaya naman sa Social Networking Site mo na lang mailalabas lahat ng nararamdaman mo.