Nanginginig ang kamay na pinatay ni Samantha ang radyo ng pumainlanlang ang kantang Paper Roses . Otomatikong nangilid ang luha nya ng mahagip pa ng tenga nya ang chorus. Saktong sakto. .sinapol talaga ang puso nya habang bumalatay ang panghihinayang sa mukha nya. Pero hindi katulad ng ibang love stories .sya ang sumira sa tiwala at pagmamahal ng taong sanay boyfriend pa nya o di kaya'y asawa na kung hindi lang sa kagaguhang ginawa nya. Nanghihinang napaluhod sya sa tapat ng lababo habang sapo ang mukha tahimik na umiiyak at pilit na ibinabaon sa limot ang lahat.All Rights Reserved