Mahilig akong gumawa ng tula. 'Corny' ang dating sa iba, pero sa iba namang mahilig magbasa... ang tula ay maituturing na 'musika.' Mula sa matulaing diwa, ito ay maipagmamalaki ng may akda; masarap basahin at pakinggan... may kakaibang dating sa pandinig, kung di man sa nakararami ay sa mga piling ilan; na ang buhay ay naisasalarawan sa pamamagitan ng mga piling salita na s'yang nagsisilbing tulay upang maipahatid mo ang iyong mga saloobin at gustong ipadama sa iyong kapwa... sa inyong pang-araw-araw na pamumuhay. Kaya, halika na at samahan mo ako sa aking tahimik at munting daigdig. Maraming salamat... at nawa'y masiyahan ka sa iyong mga mababasa.All Rights Reserved