If you're asking about her life, it was good! Good enough dahil hindi katulad ng iba ay maswerte siya sa pamilya niya. She don't have her mom anymore yet, hindi naman iyon naging dahilan para maging malungkot siya. In fact, mas lalo pa siyang binusog ng pagmamahal at atensyon ng kanyang dad at kuya. She's happy of course! Pero kahit pala nakuha niya ang lahat ng mga materyal na bagay sa mundo kulang pa rin. She rather want to have a simple life, like what others had. Pero hindi ganoon kadaling takasan ang kung anong meron siya lalo na ang pamilya niya. Somehow, kahit gaano kaperpekto ang buhay niya naihiling niya rin na sana hindi siya 'yung alam niyang siya. Sana ganoon lang kadali na takasan ang buhay. Kung tutuusin gusto lang naman niyang maranasan na maging isang normal. Yung tipong nakakapaglakad siya sa kalye ng walang panganib na maaring mangyari. O kahit man lang ang makalabas ng bahay nila ng walang kasama. To her it's quite impossible! Maliban na lang siguro kung may taong darating sa buhay niya para pakawalan siya sa hawlang nagkukulong sa kanya. Pero hindi ba't sa fairytales lang nangyayari 'yun? na may knight in shining armor? hindi naman siya isang karakter sa storya ng isang writer para magkaroon ng ganoon. At iyon ang mas ikinaiinis niya.