Mahirap mawalan ng mahal sa buhay. Mahirap isakripisyo lahat ng bagay na nakasanayan mo na para sa taong mahalaga sayo. Mahirap makipagsapalaran sa mundong hindi mo nakasanayan. Sa mundong ginagalawan natin halos lahat ng bagay mahirap. Oo, walang bagay na madaling makuha kung hindi mo sasamahan ng sipag at tiyaga. Sabi nga: "If you are doing what is EASY, your life will be HARD. If you are doing what is HARD, your life will be EASY." Pero sa gitna ng kadiliman, laging may liwanag na darating para tumulong sayo. May taong darating na handang hawakan ng mahigpit ang mga kamay mo, at sasabihing "Kahit anong mangyari, lagi lang akong nandito sa tabi mo." Mga bagay na akala mo ay sa fairytales lang nagkatotoo, pero ikaw mismo ang makakaranas sa totoong buhay. Written by: Sunflower041016
9 parts