[[On-Going Series]]
Masaya ang pakiramdam ng isang heartthrob sa school lalo na kapag marami kang makakasalamuhang magagandang babae araw-araw. Hindi mo na kaylangang mag-alala sa iyong puso’t damdamin dahil marami ka pa namang babaeng pwedeng pagpilian.
Ngunit, Paano na kung ang isang Diyos sa ibang dimensyon ang nakipagkumpitensya sa iyo na paibigin ang isang Dyosa na hindi marunong umibig at kaylangan mo siyang mapamahal sa loob ng ilang araw kung saan bibigyan ka ng kahilingang mabuhay habang-buhay. Kakayanin niya kaya ito dahil marami na siyang experience sa mga babaeng kanyang napaibig?
Sa kabilang banda, isang anghel naman ang kanyang makakatulong sa kanyang training upang mapaibig ang isang Diyosa.
Ngunit may kundisyon ang Diyos ng pagmamahal na kung sa oras na masaktan man ang kanyang puso ( yung lalaki ) o kaya'y baliwalain niya ang misyon ay maaari niya itong ikamatay at mapupunta sa impyerno ang kanyang kaluluwa kung saan hindi na niya makikita ang kanyang napamahal na diyosa.
All rights reserved
EarlSaniel@Wattpad
Nasaktan ka, pagkalaunay masasaktan din siya. Vice versa lang ika nga. Ganun naman kasi yun eh, kung sino ang nahulog at hindi sinalo, siya yung talo. Kung sino pa yung nangwasak at nang agrabyado, sila pa yung panalo.
Ang mahirap lang minsan, kung sino yung nanalo pwede ding bumagsak at matalo.
Dalawang tao na nahulog at kapalit ay ang masaktan.
A girl who use to be a kindhearted one sa lahat ng taong nakakasalamuha niya, but how can she control her feelings kung unang kita niya palang sa lalaking ito ay nabihag na ang puso niya?
Ngunit, mapaglaro nga siguro ang tadhana at ang akala niyang totoong pag ibig ay laro lang pala. Nagpakatanga siya, nasaktan siya. Nagpakatanga ulit, nasaktan parin siya. Nagpakatanga ng paulit-ulit, nasaktan nanaman ulit kaya napagod na. Hindi na niya alam kung saan siya lulugar kaya siya ang kusang bumitaw para bigyan ng hangin ang puso niyang naghihingalo.
A boy who use to hate people simula ng masaktan siya, it sounds so over reacting pero yun ang nararamdaman niya. But when this girl came, nag iba ang timpla niya. Tinangggap niya ang isang laro na alam niyang mananalo siya. Pero isang pagkakamali niya lang, nawala ang lahat at doon lang siya nagising, natauhang kailangan niya ang babaeng iyon. Hinanap niya pero hindi na kailanman nagpakita.
Natalo siya.
Ngunit paano kung bigla niya itong nakita pero hindi na ito katulad ng dati. Hindi na ito katulad ng dati na nagpakatanga sa kanya. Hindi na ito katulad ng dati na kilala siya. At lalong hindi na ito ang babaeng mahal na mahal siya.
Would he give up? Or ipagpapatuloy niya ang paghahabol?
Paano kung iba na ang mahal nito? May magagawa pa kaya siya para maibalik muli ang puso ng babaeng minsan na siyang minahal?
Babalik kaya sila sa pagkahulog sa isa't isa? Yung tipong totoo na, walang masasaktan at sinasalo na ang bawat isa mula sa pagkahulog nila?