Sa Single.
Ito yung panahong masarap matulog, kumaen at magstay sa bahay. Magmovie marathon, soundtrip, at humilata ng humilata... kasabay ng paghilata ng pagmamahal niya sa'yo, kung baga nastuck na. Wala na. Nganga na! Sakit no? Okay lang yan. Ibangon mo na ang feelings mo at damhin ang pag-agos ng iyong magandang buhay.
Sa may ka-In a Relationship.
Ito ang panahon para sa kani-kanilang tag-init na pagmamahal. Oo mainit!!! Mainit pa sa paglalandian ninyo. HINDI KO NA PAPAHABAIN TO DAHIL BITTER AKO SA MAGJOJOWA!!! Nyemas! (Lol!)
AT SA MGA PUSONG SAWI.
Oo na. Ako 'to!! Ako lang naman 'tong iniwan mo sa kalagitnaan ng kalsadang basa dahil yung araw na yun, iniwan mo ko sa ulan. Lagi na lang ako iniiwan. Sa dami ng panahon na pwede mo kong iwan, bakit tag-ulan pa? Hindi ko kayang madaplisan ng luha mula sa langit dahil sasabay ito sa pagtulo ng tubig mula sa aking mga mata. Mga matang sa'yo lang tumititig. Pero ang mga matang ito hindi na muling titigin pa sa oras na malimutan ka.