Sa kalsada, signs.
Sa banyo, signs.
Sa school, signs.
Badtrip ang nanay mo, signs.
Lahat ng bagay may signs. Kahit saan ka pumunta, kahit saan ka lumingon, at kahit saang aspekto ng buhay. Kung may sakit ang kaibigan mo, mayroon din yang sign. Kahit nga yung pagpasa mo at pagbagsak mo sa exam, meron din yang signs.
Kung lahat ay may signs, edi pati ang love, may signs!
***
Hindi parin makapaniwala si Camilla na araw araw ay bumibyahe siya ng dalawang oras makaraos lang sa matinding trapik para makapasok ng PUP. Hindi rin sya makapaniwala na sa kinalayu-layo ng eskwelahan niya ay matatagpuan niya sa UP Town Center si Harold, isang business student ng ADMU na sobrang gwapo at antipatiko.
Dahil sa isang forum sa internet, nahilig siyang maghanap ng signs, saka niya ginawa ang isang bucket list ng mga signs para malaman kung soulmate niya si Harold o hindi.
Sa kabilang banda ay nandyan si Glenn, ang classmate niyang laging sumusuporta sa kanya.
Matutukoy nga ba talaga sa signs ang tunay na pagmamahal? Perpekto ba talaga ito? Paano kung may isa pang bucket list of signs bukod sa ginawa ni Camilla? Ano ang kinalaman nito sa kahihinatnan ng damdamin niya para kay Harold?
Elliot Jensen and Elliot Fintry have a lot in common. They share the same name, the same house, the same school, oh and they hate each other but, as they will quickly learn, there is a fine line between love and hate.