Tiningnan ko ang kama niya, nagbabakasakali, pero sa halip na si Thea, isang sulat ang nakita ko roon. "Naoki, Magsaya ka na. Dahil sa huli, ikaw rin ang panalo. Tama ka, darating din pala ang panahon na bibitaw rin ako sa sa pagsasama nating ito. Gusto ko sanang patuloy na lumaban. Gusto ko sanang patuloy na kumapit sa kahit konting hibla ng pag-asa na darating ang panahon na hindi mo man ako ituring na asawa, ituturing mo rin naman ako bilang tao. Kaya kahit patuloy mo 'kong itinutulak palayo, lapit pa rin ako ng lapit sa 'yo. Kahit noong pinili mo siya kaysa sa akin, okay na rin sana. Masakit, pero kakayanin ko. Ganoon kasi kita kamahal. Pero ang mawala ang tanging magandang bagay na nakuha ko mula sa pagsasama natin dahil sa ginawa mo, iyon ang hindi ko matanggap. So panalo ka na. Lalayo na ako. Pakiusap ko lang, kung darating ang panahon na magkikita tayong dalawa, just pretend na hindi mo ko kilala. Dahil sa sandaling bumaba ako ng bahay na ito, kakalimutan na rin kita.. -------------------------- Sa hindi ko malamang dahilan, bigla na lang nabura ang Chasing my Bishounen sa wattpad. but I've decided to republish it again. Sa mga dating sumuporta at sa mga sususporta pa, Arigato Gozaimasu... Republished: August 15, 2016 Sorry po kung by parts ang pag-po-post ko. Though tapos o completed na po ito last May 2016 pa, wala po akong naiwang back-up sa computer ko. Diretso po kasi akong mag-type sa wattpad. So kailangan kong i-retype 'yung story. Mabuti na lang, hindi nabura 'yung copy sa library ko.
41 parts