Hindi applicable samin ang tanong na "where and when did you meet?", nagkaisip na kami na nandyan ang isa't isa parang kapatid o pinsan. Matagal ng magkaibigan ang pamilya namin at magkapitbahay kaya ganun na lang kaclose ang isa't isa. Sino ba ang tinutukoy ko na namin, ako at si Kevin, ang best friend ko. Ako, si Kevin at ang dalawa kong kuya ang laging magkasama pero dahil ang edad namin ni kevin ang magkalapit kami yung laging naglalaro at nagaaway. Madalas kaming magaway nung bata kami, yung tipong nagpapatayan na pero nagbago yun nung grade 5 ako, grade 6 naman sya. Pinagtanggol nya ko sa school at dun naging close kami. Nagaaway pa rin pero di na patayan. Hanggang sa narealize namin na bestfrien kami. Pero lahat ng bagay nagbabago, parang kami may nagbago...