𝐇𝐢𝐫𝐚𝐲𝐚 | Koleksiyon Ng Mga Tula
Mga Taludtod ng Pagsinta
May mga damdaming hindi kayang sabihin ng bibig, kaya isinusulat na lamang ng puso.
Ang 𝗛𝗶𝗿𝗮𝘆𝗮 ay isang kalipunan ng mga tulang isinilang mula sa pag-ibig, pangungulila, gunita, patungkol sa buhay, sakit, at mga pangarap na minsang pinaniwalaan nating magiging totoo. Mga salitang maaaring para sa isang taong minahal, isang alaala na hindi mabitawan, o isang damdaming hanggang ngayon ay nananatiling tahimik.
Sa bawat taludtod ay may kuwentong hindi nasambit, pag-ibig na hindi natuloy, pamamaalam na hindi napaghandaan, at pusong patuloy na naghahanap ng pahinga.
Sapagkat minsan, ang mga bagay na hindi natin kayang sabihin ay nagiging pinakamagandang tula...
Para sa mga pusong minsang umibig, nasaktan, nangulila, at patuloy na nangangarap.