Ako kasi ‘tong mahilig sa “Uy, ‘pag may nakita akong ganito, magiging ganito ang outcome nito.” Mahilig humingi ng signs. Mahina kasi ako sa decision making. Alam mo ba na ang score ko sa Planning and Decision Making sa aking NCAE ay 23. Oo, 23. Anak ng tinapay, score ba 'yun? Hayst. Kaya madalas akong nagrerely sa mga ganito eh. Pinagpapaubaya sa kung anong forces ang desisyon sa buhay. Mehehe.
Madalas kong gawin ‘to, lalong lalo na kay crush. Kay bestfriend crush. Nakakainis kasi marami na akong pinalampas, na hihingi ako ng signs, tapos lagi namang tumatama. Tapos ako naman 'tong si snob, ‘di parin papansinin. Kunwari, sasabihin kong (sa isip) “Nako, ‘pag ito, may Smart-C na dala, 'yung pomelo ah, may nakakakilig na mangyayari samin mamaya!.” Then poof, maya-maya, may Smart-C nga ang loko. At ayun, tama nga ang hinala, uuwi ako sa amin ng widely-smiled at tumatawa mag-isa.
Tama bang sa signs mag-rely ng desisyon sa buhay?
Pagkakataon ko na kayang masabi ko sa kanyang mahal ko s'ya?
---