Dalawang Letra ng Buhay ko. Kung may 26 letters ang alphabet 2 nito ang pinaka espesyal sa buhay ko. Bahagi ng buhay ko ang nabago, at masasabi ko na may naging malaking ambag sa pagkatao ko at sa kung sino man ako ngayon. Nagturo sakin kung paano magmahal at bumangon sa mga pag subok ng buhay. Pano magmahal ang isang tulad ko, pano nanakit, nanloko, nasaktan, natuto at nagbago. Ang pagmamahal ay hindi nasusukat sa tagal, hindi nasusukat sa haba ng pinagsamahan, hindi ito nasusukat o natitimbang, Walang sukatan, walang hangganan, Labis labis walang kulang. Hindi ka matatakot masaktan. Paulit ulit. Walang katapusan. Kung sino man po ang makabasa nito pwede nyo ko husgahan pero sana sa huli meron kang matutunan. Magmahal, Masaktan, Mabigo, Umaasa, at Muling Magmahal.