"Ang love para lang yang fireworks, sa umpisa lang yan maganda, mawawala at mawawala lang din pala."
"Huwag mong gawing soccer ang pag-ibig, na pagkatapos mong sipain saka mo hahabulin."
"Ang pinakasakit na goodbye? 'Yun 'yung di pa naririnig ng tenga mo, pero nararamdaman na ng puso mo."
"Ginawa ang cellphone para mapadali ang komunikasyon. 'Di para magkaroon ka ng ibang karelasyon!"
"Huwag kang magreklamo kung hindi ka kayang mahalin ng taong mahal mo. Dahil una sa lahat, bakit? Sinabi niya bang mahalin mo siya?"
Written by: MillionDollaGirl
Genre: Random
Date started: 9/1/16
Date finished: 11/4/17
Bakit ba kapag nagmahal ang isang tao parating may kakambal na sakit?
Bakit kung kailan handa ka nang magmahal at magtiwala sa sarili mong mamahalin ka ay di pa rin sapat para lumigaya kayo?
Bakit hindi pwedeng magpatuloy na lamang ang kaligayahang nararamdaman?
Bakit ba kailangang may masaktan para may sumaya?
Di ba pwedeng pareho na lamang kayong masaya?
Di ba pwedeng maging selfish kahit once?
Di ba pwedeng sumaya kami na wala kaming nasasaktang tao sa paligid namin?
Pwede ba na kahit isang minuto lang sumaya akong kasama ang mahal ko na wala akong inaalala?
Pwede ba yun?
Pwede bang ako at siya lang muna?
Pwede bang wala na munang sila?
Pwede bang di na lang muna niyang tuparin pangarap niya?
Pwede bang sa tabi ko na lang muna siya? Kahit konting panahon lang? Kahit sandaling sandali lang?
Kung pwede lang sana....
Kung pwede lang sana....