Sa mundong mapaglaro Sa bawat problemang tinatahak Sa kahit anong pangyayaring di inaasahan Sa buhay na puno ng kasihayan ngunit umaapaw ang pait ng sandali na syang pumupukaw satin kung ano ang buhay. Sa bawat segundo,minuto o kahit oras na lumilipas Naiisip ba natin pahalagahan ito? Sana lang Dahil walang bagay sa buhay na maaaring balikan upang gawin ang mga bagay na di natin nagawa. Yan sana ang naisip ko nung panahong wala na akong pag asa na tila pinagtabunan ako ng langit at lupa Di sana nasayang ang mga panahong iyon. Tsaka mo lang pala matatanto na mahalaga ang buhay Lalo na kapag nakilala mo na yung taong magbibigay ng halaga sayo Mararanasan mong tumawa, lumuha, madapa, kasama sya Kaso sa isang iglap ay mawawala din ang lahat Pero pasalamat ka parin sa mga bagay na natatamo mo.