May dahilan kung 'bat wala ito sa dalawang kaliwa,
Ganun din sa dalawang kanan.
Andito siya sa gitna.
Sa gitna kung saan, may mga mali at tama.
Tama, itinakda itong ipuwesto sa gitna.
Upang bumalanse sa hindi at dapat.
Ayaw niya na umasa tayo sa wala.
Pero okay lang, kasi sa puwestong pinili nito,
Alan nating dalawa na aabot at aabot tayo hanggang dulo.
Mahal ko, salamat sa bagay na ito.
Pangako, pakaiingatan ko para sayo.
Sabi mo nga, kahit man lang dito,
May matatawag na, TAYO.
Kapit lang mahal ko, laban tayo.
Ikaw at ako, sa magkaibang mundo.
Magiging isa din, naniniwala ako.
Marahil hindi man ngayon,
Sa pagpikit ng mga mata ko,
Ikaw at ako lang ang nasa mundo.
Ayoko,
Ayoko,
Ayoki muna idilat.
Sapagkat sa panaginip ko,
Iisa ang tibok ng mga puso.
Ngiti mo, ngiti ko.
Luha ko, luha mo.
Mahal na mahal kita, mahal ko.
Dito sa bagay na suot ko,
Alam ko, alam mo.
Sa singsing na ito, pag-iisahin tayo.