Ang sarap sa tenga.
Nakakapawi ng dinadala.
Sa mundong puno ng pighati at problema.
Salamat sayo twina,
Na pumapawi sa lungkot na dinadala.
Sige lang, at wag titigil sinta.
Habang ako'y nakapikit at sumasabay sa mga salita.
Tumitigil ang inog ng mundo,
Humihinto ang ikot ng relo.
Gusto ko talaga ito.
Gustong gusto ko.
Tila ba tayo lang ang nasa mundong ito.
Ayan na, matatapos na.
Pahinto na.
Ay hindi pa pala.
Sa mundong hindi lang puro ligaya, salamat.
Salamat sa mga may katha.
Kahit pahinto-hinto, palipat-lipat, nagbabago, natatapos.
Tapos, tapos na pala.
Ngunit alam kong may kasunod pa.
Sa mundong walang permanente, ikaw lang ang nagpapatuloy ng daloy.
Kaya ngayon ay higit ko pang lalakasan ang tunog at iindayog.
Paniwalain ang sariling ikaw lang at ako.
Hanggang marating natin ang sukdulan nito.
Sige lang,
Sige pa,
Iindak mo.
At dadamhin ko ng buong puso.
Balutin ang aking buong pagkatao.
Ikaw at ako.
Musika ko.