Blaire Purple Cadiz, babaeng hindi naman mahilig sa purple pero ipinangalan sa kulay niyon dahil lamang sa iyon ang paboritong kulay ng ina noong pinagbubuntis pa lamang siya. Masyadong mapili sa lalaki at halos lahat ay binabasted. Palibhasa daw ay siya ang lagi nang hinihirang na Muse sa klase nila mula Kinder hanggang College. Lahat ng sikat na Varsity players ay sumubok nang manligaw sa kanya. Lahat, hindi pumasa. Ano nga ba ang hinahanap niya na katangian ng lalaki na siyang pupukaw sa pihikan niyang puso?