(Completed)
Dalawang beses na syang nasaktan ng dahil sa pag-ibig. Bakit ba palagi na lang sya? Bakit hindi na lang iba? Tanong nya sa sarili. Ayaw na ayaw nya ng nasasaktan. Alam kasi nya na matagal talaga syang mag move on. Tipong inaabot ng tatlong taon. Oo, tatlong taon syang nagpapakamiserable sa loob ng condo unit nya. Tatlong pasko, bagong taon, birthday at halloween na sya sa loob ng condo nya. Ang katwiran nya, hindi nya daw magawang mag move on. Masyadong masakit. And just when she decided to finally give herself a shot to live again, dumating ang lalaking unang nanakit sa kanya. And then, she realized something. Hindi ka naman pala talaga nag mo-move on sa tao. Kahit anong gawin mo, he will always be a part of you. Like a scar that has their own story.