Jake and Jared were identical twins. Pero katulad sila ng araw at buwan sa pagkakaiba ng ugali at ideya sa buhay. Umuwi ng Pilipinas si Jake para sa kasal ng kakambal na si Jared. Hindi lang para dumalo kundi para kilalanin ang uri ng babaeng nakatakda nitong pakasalan. Jared and Jenica were about to get married nang aksidenteng mabangga ang kotseng kanilang kinalululanan. Iyon ang pangyayaring saktong inabutan ni Jake sa pagbalik niya ng bansa. At nagtataka si Jenica sa malaking ipinagbago ng kasintahan pagkatapos ng kanilang aksidente. He became attentive and caring, bagay na hindi nito ginagawa noon sa kanya. Gayunpaman ay ikinatuwa niya iyon at pakiramdam niya ay lalo niyang minahal ang binata. Pero paano kayang malalaman ni Jenica na ang kasintahan at ang kanyang iniibig ay dalawang magkaibang tao? Makikilala niya kaya kung sino ang sino?