Ikinasal sina Xandra at James sa kagustuhan ng kanilang mga magulang. At pareho silang walang nagawa para suwayin ang kagustuhan ng mga ito. Si James, pumayag dahil sa proviso sa testamento ng grandfather niya na ipapamana lang sa kanya ang kompanyang nagmula pa sa kanyang mga ninuno kung mag aasawa at magpapakasal siya pagsapit sa edad na thirty three. Si Xandra, dahil sa pagnanais na paluguran ang ama kaya gusto niyang ibigay ang hiling nito at para na rin huwag bigyan ng alalahanin ang inang maysakit. Nag iisang anak lang siya at walang ibang bukambibig ang Papa niya kundi sana ay lalaki na lang ang naging anak ng mga ito. Bagama't sukal sa loob nila ang desisyon ng mga magulang ay maluwag nilang tinanggap ang kagustuhan ng mga ito. Pero paano nga bang tatagal ang isang pagsasama nang walang namamagitang pag ibig sa isa't isa. Would love find it's own way to their hearts?All Rights Reserved
1 part