Ito ay tungkol sa isang lalaki na na-stranded sa daan nang biglang umulan nang malakas. Suko na sana ang lalaki na makasasakay pa siya ng pauwi nang may bigla siyang nakitang kotseng papalapit. Lumukso ang puso niya sa tuwa at kinawayan niya ang sasakyan para tumigil. Pero tuloy-tuloy lang ito. Ang ginawa ng lalaki ay binuksan niya ang pinto ng kotse at agad na pumasok sa loob dahil basang-basa na siya sa ulan. Nguni't laking gulat niya nang makitang walang tao sa loob ng kotse. Nilukuban ng takot ang pagkatao niya. Pilit niya inapakan ang brake pero patuloy pa rin na umaandar ang kotse. Pilit niya binuksan ang pinto pero hindi mabuksan-buksan ito. Tiniis na lang niya ang takot at nagdasal. Pagkaraan ng ilang oras, tumigil ang kotse. Naramdaman niya na may nagbubukas ng pinto. Pag bukas ng pinto ay agad siya lumundag papalabas. Bigla siya hinabol ng dalawang lalaki. "Hoy! Bumalik ka dito! Langya ka! Kaya pala hirap na hirap kami magtulak ng sasakyan!"