Bitbit ni Lagrimosa ang isang maleta habang unti-unti niyang nililisan ang paaralang kanyang kinagisnan. Masakit ma’y kailangan niya iyong gawin dahil pinalitan na siya sa kanyang puwesto ni Katy Korclone, isang sopistikadang babae, 200-pound beauty walang papa’t dalagang dalaga. Si Sr. Lagrimosa Magadya, isa siyang madre na 54 na ang edad, may kaliitan at kabaitang taglay. Pinagkaisahan siya ng Board members ng paaralan upang siya’y palayasin dahil sa nalugi ito matapos niyang payagang gawing 50 percent off ang tuition fee ng buong estudyante. Habang lumalakad palayo’y lumingon siyang muli upang pagmasdan ang kagandahan ng paaralan na sinundan ng pangingilid ng luha sa kanyang mga mata.
“Paalam na”.All Rights Reserved