Hindi lahat ng love story ay mala-fairytale ang set-up o may happy ever after. Dahil sa gusto mo man o hindi, may mga bagay na mawawala, darating at muling magbabalik. At gusto mo man o hindi, may aasa, paasa, umaasa, naghihintay, nagpapahintay, iiyak, o maiiwanan. Kasi... Ang LOVE ang puno't dulo ng lahat ng kasiyahan at kalungkutan. Gustuhin mo man iwasan o takasan ang love na yan, wala kang magagawa kung ikaw na mismo ang makararanas niyan. Pero may choice naman tayo e, kung nanaisin mo sumaya o mabalot ng kalungkutan. Sino ba ang mas nararapat, ang minsan mo ng minahal o ang darating pa lamang sa iyong buhay?