Sabi nila masama ang magnakaw lalo na kapag ang bagay na nanakawin mo ay isa sa mga ingat-yaman ng isang tao. Paano na lang kapag magnanakaw ka dahil sa pagmamahal, gagawin mo ba? Paano na lang kapag magnanakaw ka sa taong mahal mo alang-alang sa pagmamahal mo para sa kanya, gagawin mo pa rin ba? Mahirap hadlangan ang nararamdaman ng isang tao lalo na kapag pag-ibig ang pag-uusapan. Ang pagmamahal kapag pinipigilan mo ay sasabog na lang pagdating ng tamang panahon. Ganito na lang ang kuwento nina Mocha at Banana. Ano kaya ang nanakawin sa kuwento at ano ang mangyayari kapag sumabog ang pagmamahal sa pagitan nina Mocha at Banana? O baka naman hindi na kailangang magnakaw dahil tadhana na mismo ang gagawa ng paraan para sa dalawang pusong nagmamahalan.