Ito'y kwento ng mga nakakatakot na karanasan na nangyari sa totoong buhay. Hindi gawa-gawa lang para ikaw ay matakot. Mga kwento ng taong malalapit sa akin na nagbahagi ng kanilang estorya. Mga karanasan na hindi malilimutan dala ng mga makababalaghan na mga nilalang na kasama natin dito sa mundo. Kaya kapag naglalakad ka sa gabi mag-isa huwag kang mag alala dahil may kasama ka ngunit hindi mo lang nakikita. Huwag ka nalang lumingon baka may ikatlong mata kang nakatago ng hindi mo alam. At di sinasadyang sila'y iyong makita.