Hindi makapaniwala si Jessica na itinali ng Papa niya ang kanyang mamanahin sa taong ninsan ay nanloko sa kanya. "Hindi ko alam kung paano mo nakuha ang tiwala ng Papa, Nicolas!" buong pait niyang sabi. "I can't imagine that he trusted you that much!" nanunuyang dugtong niya. Sa nanunuyang tinig din sumagot si Nicolas. "At hindi lang ang hasyenda ang ipinagkatiwala niya sa akin! Maging ang kaisang-isa niyang anak!" Natigilan si Jessica sa narinig. Bakit ngayong nalaman niyang hindi ito pabor sa ginawa ng Papa niya ay hindi siya umiimik? Ano ba ang inaasahan niyang isasagot ni Nicolas?All Rights Reserved