Si Denisse Villegas ay isang simpleng babae na mahilig manuod ng anime. At dahil sa kabaliwan nya sa anime, maghahanap sya ng trabaho at the same time mag aaral para makaipon at makapunta ng JAPAN! Naniniwala sya sa tadhana kaya naman wala pa syang boyfriend ... Hinihintay nya pa ang kanyang SPECIAL SOMEONE. .. Si Kenrick Mendoza ay isang happy go lucky guy na mayabang at walang ginawa kundi gumimik ng gumimik pero kahit ganun hindi pa sya nag gigirlfriend dahil hinihintay nya pa ang nakatadhana sa kanya .Walang iniintinding problema, kung meron man, tinatawanan lang nya and go with the flow lang. Easy life huh. Maging PERFECT kaya ang kanilang combination kung sa unang pagkikita pa lamang nila ay 'di na sila nagkasundo? Pero paano kung dumating yung time na nagkasundo sila saka naman nila kailangang iwasan ang isa't isa? Makakaya kaya nilang iwasan ang isa't isa kung lagi silang pinagtatagpo? Tadhana? Dun nalang ba sila maniniwala, aasa? O kelangan na sila na mismo ang ang gagawa ng kanilang tadhana? Subaybayan po natin ang ROMANCE-COMEDY-DRAMA nilang story. Enjoy! :))