Ang kuwentong ito ay tungkol sa limang love stories na nagsimula at nagtapos sa loob ng malamig na buwan ng Disyembre. Sa panahong marami sa atin ang nakikipagpalitan sa exchange gifts, uma-attend ng Christmas parties, nakikipagsiksikan sa mga sale sa divisoria at SM, nagla-last minute shopping, nangangaroling sa mga bahay-bahay, nagwiwish matapos makumpleto ang simbang gabi, kumakain ng puto bumbong at bibingka, nagno-Noche Buena, naniniwala kay Santa, namamasko, nagpapatangkad, nagda-diet, nagpapa-cute, nagpapa-abs, nagpapakabait, nadedepress, nakakalimot, napapagod, naghihintay, at nagmamahal.
Sa panahong basag na ang border sa pagitan ng fantasy at reality pero marami pa rin ang umaasa sa sarili nilang fantasy, o bitter sa hindi matanggap na reality. O parehas.
May mga bahagi ng kwentong ito na hango sa tunay na mga karanasan sa iba't ibang personalidad. May pangyayari naman na nakapaloob nito ay bunga lamang ng imahinasyon ng manunulat. Ang pangyayari ay inilagay sa katayuan ng isang babaeng nagmamahal at nagtanaw ng utang na loob sa isang ina. Isang dalagang iniingat-ingatan ang sarili para sa lalaking kanyang minahal. Ngunit isinasakripisyo ito para sa nag-iisang magulang.
Iniwasan ng may akda na pangalanan o banggitin ang tunay na mga lugar, pangalan ng kompanya, tunay na pangalan ng personalidad para itago ang mga ito. At kung may lugar man, pook,
personalidad o kompanya na nabanggit sa akdang ito ay hindi sinasadya.
Ang akdang ito ay may mga masisilang bahagi na hindi nararapat sa mga napakabatang mambabasa.