Ano ang mas importante sayo? Ang kaibigan mo o ang taong mahal mo? Kaya mo bang isakripisyo ang nararamdaman mo para sa kaibigan mo? O kaya mo bang isakripisyo ang pagiging magkaibigan niyo para sa taong mahal mo? Sa love, kailangan mong pumili. Dahil hindi naman pwedeng magmahal ng dalawa diba? Pero dapat sa pagpiling yon, alam mo na kung sino ang para sayo. Dahil 'pag mali ang naging desisyon mo, mahirap ng ibalik sa dati ang lahat at maaari mo itong pagsisihan habang buhay.