Sa dami ng nahingi ng likes at comments para sa kung anu-ano, dapat makiuso din ako. Teka, hmmmmmn, books, concert ticket, signatured shirt, specialized mugs, ano ba ang gusto ko? Ang hirap naman.
Lumaki ako na wala na akong hihilingin pang iba hindi dahil mayaman kami. Ang turo kase sa aming magkakapatid ni Inay, dapat daw matuto kaming makontento.
Teka, ano ba talagang gusto ko? Putakte naman.
Isa lang ang gusto ko: Si Francis Luis Jaime L. Roa, ang pinakacute na varsity player sa buong Sta. Rosa National High. Siya lang talaga. Pramis!
"Hoy, Roa, kapag umabot ng 5,254 comments at 143 likes ang picture natin noong Grade 1 pa tayo, pakakasalan mo ako, ha!" sigaw ko sa library sabay dampot ng Queen at lagay sa tamang posisyon, checkmate.
May patutunguhan nga ba ang batang pag-ibig ng isang nobody sa isang peymus na gaya ni Francis?