Si Keri Samson ay isang forever alone na Nerd. Isang Nerd na maraming ambisyon sa buhay. Oo isa siyang napaka-ambisyosang Nerd. Akalain mo? nanligaw na nga yung janitor ng school nila sa kanya hindi pa niya sinagot! Edi sana may forever na siya ngayon? Ang taas kasi ng pangarap niyang magugustuhan siya ng isang prinsipe. Oo, prinsipe ang gusto niya. Ang taas ng standards niya pagdating sa mga lalaking gusto niya akala niya naman kung sino siyang maganda. Ibahin niyo ang nerd na ito sa ibang mga kwento dahil siya ay kakaiba. Isa siyang maarte at palaban na Nerd kaya walang lumalapit sa kanya. Paano kung ang lalaking nakatakda sa kanya ay baliktad sa kanyang inaasahan. Papasa pa kaya ito sa checklist niya? Ikaw papasa ka kaya? Mr. Dreamboy's Checklist His name should starts with a vowel letter and ends with letter y. He has dimple/s. (Katulad nung kay Alden) He has a complete set of teeth. (Dapat walang sira at tsaka mabango ang hininga) Have a fair complexion of skin in short maputi! Brown or blond hair. Can play guitar. Can sing. (Dapat hindi sintunado.) Can cook. (Okay lang kahit itlog lang ang kaya niyang lutuin) Gentleman and kind. Respectful. (Dapat lang!) Religious. ( dapat maka-diyos din) He is a pet lover. (Dapat hindi sya allergy sa Aso. May pet kasi ako.) He has a capturing emerald eyes. (Eto talaga ang pinaka-importante.) Masculine. (ehemm...) He will never make me cry. ( Kapag pinaiyak niya ako, Babye siya.)All Rights Reserved