May mga bagay tayong ginagawa kahit na alam nating bawal. Kahit na binigyan tayo ng bibig para magsalita, may mga bagay pa rin na dapat hindi natin sinasabi. Mga bagay na pakiramdam mo ay hindi na dapat pang marinig ng iba pa. Mga bagay na tanggap mo nang habang buhay mong itatago sa sarili mo lamang dahil lang sa ito ay bawal.