Sabi nila, kapag nakakita ka ng isang bulaklak sa lugar kung saan hindi kadalasang tubuan ng mga halaman, pitasin mo raw ito saka pumikit, humiling... at magkakatotoo raw. Isang araw nakakita si Eumie ng bulaklak na tumubo sa isang puno. Pinitas niya ito saka humiling. Paano kung sa pagkakataong iyon ay mayroon din isang tao na nakasabay niyang pumitas at humiling ngunit kapwa sa ibang lugar nangyari, ano kaya ang mangyayari sa kanilang mga hiling? Magtatagpo kaya ang dalawa kapag naglaro ang tadhana?