Minsan iisipin mo na lang na TAMA NA !
Sa dinami-dami ba naman ng dahilan na pwede mo isisi sa sarili mo di kapa kaya susuko ?
May mawawala pa sayong mahal na mahal mo sa buhay.
Iiyak ka nalang ba lagi at magmumokmok sa kwarto para lang wala makakita sayo na nahihirapan kana ?
Walang pwedeng dumamay sayo ?
Kasi wala na siya.
Walang pwedeng mahingan mo ng tulong o di kaya'y makakausap mo ?
Pero sino nga bang mag-aakala na yung dalagang iyakin pag mag-isa, yung walang pwedeng pagsabihan ng mga iniisip niya ay siya pa yung makikita mong laging nakangiti at hindi mo makikitaan na isa siya sa maraming tao diyan na may dinadalang sama ng loob.
Bakit nga ba kailangan may mawala ?
Bakit sa akin pa ? - AC
HAIST BUHAY !
Bakit ba kapag nagmahal ang isang tao parating may kakambal na sakit?
Bakit kung kailan handa ka nang magmahal at magtiwala sa sarili mong mamahalin ka ay di pa rin sapat para lumigaya kayo?
Bakit hindi pwedeng magpatuloy na lamang ang kaligayahang nararamdaman?
Bakit ba kailangang may masaktan para may sumaya?
Di ba pwedeng pareho na lamang kayong masaya?
Di ba pwedeng maging selfish kahit once?
Di ba pwedeng sumaya kami na wala kaming nasasaktang tao sa paligid namin?
Pwede ba na kahit isang minuto lang sumaya akong kasama ang mahal ko na wala akong inaalala?
Pwede ba yun?
Pwede bang ako at siya lang muna?
Pwede bang wala na munang sila?
Pwede bang di na lang muna niyang tuparin pangarap niya?
Pwede bang sa tabi ko na lang muna siya? Kahit konting panahon lang? Kahit sandaling sandali lang?
Kung pwede lang sana....
Kung pwede lang sana....