Sa isang mundong hitik sa karahasan, uusbong ang isang nakakasukang pag-iibigan.
Siya si Lito, Lita pag hapon, Letlet pag gabi.
Ipinanganak na may angking kagandahang itinago pa sa kaban ng bayan.
Kasama ang kanyang matalik na kaibigan na pinangalanang Pedro, Pedrosa sa hapon, Pedped sa gabi.
Isinuka ng karagatan dahil sa angking kachakahan. Kaya ngayoy sa mundong ibabaw nag-anyong tao upang maghasik ng lagim.
Magkaiba man ang kanilang anyo, magkaiba man ang kanilang pag-uugali, iisa lamang ang kanilang hangarin, ang sumaya sa piling ng minamahal.
Ngunit isang lalaki ang nakatadhanang sumira sa kanilang pagkakaibigan. Sa pagdating niya'y may isang sasaya at may isang luluha. Kaya ating Subaybayan ang kabanata ng kanilang kalandian.
PS. one shot itez pero mahaba-haba, wala kang pakialam! Subukan mong magtaray, majojombag ko yang fezlak mo!
Intiendes?