Bakit ba kasi ganito? Sa ‘kin na lang nila sinisisi lahat...wala naman akong ginawa... Kasalanan ko bang namatay si itay? Kasalanan ko rin bang nagpakamatay si inay? Dahil lang ba ampon ako sa pamilyang ito, ako na ang may kagagawan noon? Si ate, hindi na rin ako pinaniniwalaan...sinisisi niya pa ko. Bakit noong buo pa ang pamilya hindi naman kami nagkaganito?! Dahil ba sa ampon ako, na naiba na ang pagtingin nila sa akin?! Ako ba ang nagkulang?! Ginawa ko naman ang lahat ah.. Di pa ba sapat yon?