Paano kapag ang langit at lupa ay nagtagpo ! Delubyo kaya ang magaganap o malaparaisong pangyayari ang sasambulat ! - - Ito ay kwento ng isang babaeng nagngangalang Sophia Kelly Yumol o "SKY". Sya ay may phobia na kung tawagin ay PHILOPHOBIA o takot magmahal. Nakuha nya ito sa isang karanasan nya nung limang taong gulang pa sya. Umasa sya sa pangako ng isang batang lalaki na di sila maghihiwalay ngunit nasira ito. Iniwan syang nag-iisa at luhaan. Nasaktan sya ng lubos at natakot. Natakot na muling mahulog ang loob sa ibang lalaki. In short, takot nang magmahal. Kaya nga hanggang ngayon na fourth year high school na sya wala pa rin syang nagiging boyfriend. Pero parang magbabago ang lahat pagdating ng isang transfer student, si Lorencio Andrei Nuevas Diamzon o "LAND". Gwapo, mayaman, may katalinuhan, lahat na nasa kanya. Sya ang lalaking hinahangad ng lahat ng babae sa mundo. Pero di sya perpekto, tulad ni Sky may pangit din syang karanasan na nangyari sa kanya noong limang taong gulang pa lang sya. . . Kaya ang napakalaking tanong, Siya na nga kaya ang magtatanggal ng takot na bumabalot sa puso ni SKY o katulad din sya ng batang lalaki na iiwan at sasaktan sya? p.s Magkikita pa kaya sila Sky at yung batang lalaki. Hay! Basahin nyo na lang para masaya. . . Love Love Love! <3 ////// READ > VOTE > COMMENT > ADD TO YOUR RL > > > > > > -deogratias143
37 parts