Eto ang bigkas ng karamihan
May minamahal man o wala
Matanda o bata, lahat ng kasarian
May forever daw sa dalawang taong nag-iibigan, Lifetime naman ang sabi ng ibang nagmamahalan
Ano nga ba ang forever na tinutukoy nila? Forever magkasama? Forever magmamahalan o baka naman forever na hiwalayan?..
Pag-ibig, para sakin eto ang pinakamalakas na pwersa sa buong mundo. Walang kayang pumuksa sa pwersa nito. Napakaraming kahulugan, iba't-iba ang katangian, nakakasira, nakakabuo, nakakabuhay, nakakamatay..
Tayong mga tao ay may hangganan, hindi natin alam kung kailan tayo mawawala sa mundong ibabaw, lilisan tayo pero ang pwersa ng pag-ibig ay mananatili kailanpaman
Hindi natin kailangan ng forever, ang kailangan natin ay buo at tapat na pagmamahal sa isa't-isa. Sapat na ang habang buhay kung mararamdaman mo naman ang langit dito sa lupa.
Koleksyon ng mga tula.
Kwentong nakabalot sa bawat talata.
Basahin ang kwento ng kalapastangan ng araw, luha ng ulap, at lihim ng buwan sa "Araw, Ulap, at Buwan" ni Soraemie.
Pabalat sa pagkaka-disenyo ni: @clxirven
Highest Rank: #10 - tula