Prologue: Para sakin ang Araling Panlipunan/Hekasi/Sibika/History ay isa sa pinaka-boring na subject. Kasi lagi nalang binabalikan yung nakaraan. Lagi nalang pinag uusapan yung mga nangyari nakaraan. Atsaka andaming pinapakabisado -,- Kailangan kabisaduhin kung kelan namatay si Magellan, si Dr.Jose Rizal, atbp. -_-.. Atsaka karamihan sa mga naging teacher ko sa A.P super boring nila magturo -_- Parang bubuyog na bulong ng bulong -,- Pero hindi ko inaasahang may makikilala akong isang guro na masasabi kong magaling :) Para sakin siya ang pinaka magaling na guro na nakilala ko. So nagsimula kong mahalin ang History. Naging idol ko ang aking teacher. Hanggang sa naging crush ko siya.. Pero paano kapag na fall ako sakanya anong gagawin ko? hindi ako umaasa.. Pero paano nga kung dumating ang time na ma fall na talaga ako sa teacher kong ito? Paano kung bawal? Paano kung hindi niya ko gusto? Yan ang mahirap kay kupido eh.. Lagi na lang siyang sablay -,- . Ano kayang mangyayari sa feelings ko? Hihinto na ba itong nararamdaman ko sakanya o Tuluyan na kong mahuhulog sa kanya?