Para sa mga taong nasaktan, umasa, naiwanan sa ere. Para sa mga taong naging mahina, naligaw, at napabayaan ang sarili. Para sa mga taong hindi makalimutan at patuloy pa ring naaalala ang sakit na dulot ng nakaraan... Ang lahat ng naramdaman at patuloy mo pa ring nararamdaman, ay magiging daan sa pagiging matatag at panibagong ikaw. --- Si Jazzi Ramura ay isang manunulat. Apat na taon nang gano'n ang kanyang propesiyon at marami na siyang nagawang mga salita - maging nailabas na emosiyon - ngunit hindi pa rin sapat para pahilumin ang kanyang pusong nasugatan. Patuloy pa rin siyang minumulto ng sakit ng nakaraan, at ng isang taong matagal nang patay sa kanyang isip, pero hindi sa damdamin. Sa isang araw na pagpunta niya sa kaniyang paboritong lugar ay muli silang nagtagpo ng taong matagal na niyang inaasam na makita nang hindi inaasahan. Iyon na kaya ang tamang panahon upang matuldukan ng tuluyan ang naumpisahan? O pagkakataong muli na maituloy ang naunsiyaming simula? Ito ay isang kuwento ng paglasap sa tamis ng umpisa, pagtanggap ng kabiguang dulot ng pag-ibig at pagkakamali, at paghihintay sa tamang panahon. All Rights Reserved 2016 © Rizza Maruja