bakit ngayon lang ulit pinagtagpo dapat ba itong isisi sa tadhanang mapaglaro? sana noon ka pa nakita noong puso mo'y malaya pa sa hindi tamang pagkakataon damdamin ko ay hindi umayon ngayong pagaari na ng iba tama bang mahalin ka pa? puso ko noo'y nag alinlangan pagibig mo ay aking iniwasan maraming taon ang lumipas ala-ala mo'y hindi pa rin kumukupas hindi na maibabalik ang panahon mapait na kahapon ay dapat ng ibaon marahil hindi nakalaan para sa isa't-isa ang maging "TAYO" ay wala ng pag-asa