Nakakatuwang isipin na may mga tao sa buhay natin na kahit minsan
Nakakalimutan natin silang kamustahin dahil sa pagiging busy natin, nandiyan pa rin sila sa tuwing kailangan natin ng makakausap, kailangan natin ng makikinig at mga taong makakasama.
Kahit hindi kayo nagkikita, alam niyo sa isa't isa na magkaibigan kayo. Na nandiyan siya para sa'yo na hindi ka niya iiwan.
Ang pagkakaibigan naman ay hindi nasusukat sa attendance eh. Wala siya sa ilang beses nag-uusap o nagkakasama. Nasa pagtitiwala yan at pag intindi ng bawat isa. Busy ka man o hindi. May problema man siya o wala.
Ang tunay na kaibigan kasi, hindi marunong manumbat. Hindi marunong magbilang ng pabor. Sila yung mamahalin tayo, unconditionally.
------
Pano kaya kung nangangarap ka nalang sa mga nararamdaman mo? As in pangarap na hindi maabot para sa isang babaeng natitipuhan mo.
Siguro mababaliw ka nalang at hindi na alam kung ano yung mga gagawin mo sa buhay mo.
Kaya minsan naiisip mong mambubully ka nalang ng mga bata para may magawa lang.
Ang sama lang nu? Ala eh, ayun tayo, tao lang.
Pero minsan pala magugustuhan mo na din yung mga batang binubully o inuuto mo. Ang cute lang siguro tignan kung yung mga taong hate na hate sa mga bata tas biglang mag-iiba ang ihip ng hangin.
Tapos siya na pala ang magtatawid sayo papunta sa pinapangarap mong matupad.