Sabi nila mahirap mahalin ang isang taong malapit nga sayo pero hindi ka naman makita-kita. Sabi nila mahirap mahalin ang taong may mahal ng iba. Pero sa labing anim na taon kong pakikipagsapalaran sa buhay, may isang bagay akong natutunan tungkol sa pag-ibig. Higit na mas mahirap mahalin yung taong hindi ka man lang kilala. Higit na mas mahirap magmahal sa taong imposible. Hindi ka niya kilala pero ikaw kilalang kilala mo siya mula sa birthday niya hanggang sa favorite color niya. Gumagastos ka para lang makapunta sa concerts o TV guestings niya. Nagsisinungaling ka sa magulang mo para lang makita siyang nagpeperform ng live sa mallshows niya. Nauubos mo lahat ng ipon mo para lang mabili ang albums at magazines niya. Ang hirap umasa na balang araw makikilala ka rin niya, na balang araw mamahalin ka rin niya. Siguro para sa iba, biro-biro lang ang nararamdaman natin. Pero para sa atin, totoo ito. Yan ang buhay fangirl. Mahirap kasi bukod sa hindi tayo kayang mahalin ng taong mahal natin, ginagawa pang katuwaan ng ibang tao ang sitwasyon natin. Alam ko kasi danas ko. Kaya naman itong kwentong ito ay alay ko para sa lahat ng tulad kong fangirls diyan. Siguro imposible ngang makilala man lang nila tayo, pero hindi naman masamang kahit sandali lang ay maranasan nating mahalin nila tayo kahit sa pamamagitan lang ng kwentong ito, hindi ba? Sana ay magustuhan niyo. Para sa inyo ito.